-- Advertisements --
booster vaccination

Todo ang pagtitiya ng Department of Health (DoH) na sapat ang bakuna sa bansa.

Sinabi ni DoH-officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na base sa datos ng health department, nasa mahigit 17.4 million ang imbak na bakuna ng bansa at kasalukuyang nakaimbak sa DoH warehouse.

Sa naturang bilang, nasa mahigit anim na milyon ang kasalukuyang pinag-aaralan na maextend ang shelf life ng COVID-19 vaccines.

Kaya naman muling hinikayat ni Vergiere ang publiko na kumpletuhin ang mga bakuna upang magkaroon ng panlaban kontra COVID-19.