-- Advertisements --
doh

Todo ngayon ang panawagan ni Department of Health (DoH) officer-in-charge Usec. Maria Rosario-Vergeire na magkaisa ang lahat para matugunan ang problema sa immunodeficiency virus (HIV).

Nais umano ni Vergeire na magkaroon ng equal access at services para sa mga taong mayroong human immunodeficiency virus (HIV) na walang paghihirap at stigma.

Kasunod na rin ito ng paglulunsad ng DoH sa World Aids Day ang 7th AIDS Medium Term Plan (AMTP) para maka-contribute sa global goal na wakasa ang AIDS bilang public health threat pagsapit ng taong 2030.

Nanawagan din si Vergeire na mag-practice ng safe sex, regular na sumailalim sa HIV testing at hinimok ang iba pang gawin din ito para maiwasan ang paglaganap ng HIV at iba pang sexually transmitted infections.

Ayon sa Department of Health, batay daw sa data mula sa Joint United Nations Programme on HIV and AIDS, nasa 38.4 million na katao ang mayroong HIV sa katapusan ng taong 2021.

Ang Pilipinas daw ay mayroong fastest-growing HIV case.

Mayroon itong 237 percent increase sa annual new HIV infections mula 2010 hanggang 2021.

Sa parehong period, tumaas din ng 315 percent ang AIDS-related deaths.

Base sa pinakahuling DoH HIV, AIDS at ART Registry of the Philippines nasa 107,177 cases ang naitala sa bansa mula noong 1984.

Papalo naman sa 1,383 ang bagong na-diagnose na kaso at 65 ang bagong napaulat na namatay sa bansa noong October 2022.

Samantala, ang 96 percent sa mga kaso ay lalaki habang ang range naman ng mga nadadapuan ay nasa 75-anyos.

Sinabi ng Department of Health na nanatiling ang sexual contact ang predominant mode of transmission na nasa 97 percent.