-- Advertisements --
doh

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DoH) ng mas mababa sa 1,000 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang limang araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit 1,000 kaso ng nakamamatay na virus.

Base sa data ng DoH, ang kaso ng COVID-19 sa ay 883 habang ang active cases ay bumaba rin sa 17,481.

Dahil sa mga bagong kaso ng virus, naitala ngayon ang nationwide tally ng COVID-19 sa 4,042,936.

Ang kabuuang bilang naman ng mga naka-recover ay 3,960,685 habang ang death toll ay umakyat na sa 64,770.

Sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na kaso ng virus na 5,152.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 2,041, Central Luzon na may 1,061, Western Visayas na may 932 at Central Visayas na mayroong 829.