
Todo ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na iwasang lumusong sa baha lalo na’t lumubo pa ang kaso ng leptospirosis ngayong taon.
Ayon sa DoH, sa ngayon ay pumalo na raw sa 3,000 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa bansa.
Kaya naman mainam na huwag lumusong sa baha lalo na ang mayroong mga open wound at tiyaking maghugas lagi ng paa kapag galing sa tubig baha.
Sa pinakahuli ngang ulat ng DoH, tumaas sa 84 percent ang kaso ng leptospirosis kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1,784 sa kaparehong buwan.
Naitala naman sa National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na tinamaan ng naturang sakit na umabot sa 725, sumunod ang Western Visayas na nakapagtala ng 402 na kaso, at pangatlo ang Cagayan Valley na may 344 kaso.
Kaugnay nito, umabot na sa mahigit NCR at Central Luzon.
Samantala, muli namang nagpaalala ang health department sa publiko na iwasang lumusong sa baha lalo na kung may sugat, upang maiwasan ang naturang sakit.










