-- Advertisements --
DOH

Nanindigan ang Department of Health (DoH) na walang iregularidad sa pagbili ng mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa kaya bukas ang mga ito sa ano mang isasagawang imbestigasyon.

Siniguro rin ni DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang partisipasyon ng mga ito sa isagawang pagdinig ng Senado kaugnay ng pagbili ng mga bakuna laban sa nakamamatay na virus.

Dagdag ni Vergeire na magbibigay-din ang mga ito ng karampatang mga dokumento kung kinakailangan.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod na rin ng anunsiyo ng Senate blue ribbon committee noong Lunes na iimbestigahan ng mga ito ang umano’y non-disclosure ng DoH sa detalye ng COVID-19 vaccine deals dahil sa mga agreements sa mga firms na kasama sa deal.

Una nang sinabi ni Vergeire na pinapayagan naman ang DoH na magbigay sa Commission on Audit (COA) ng kinakailangan nilang dokumento na may kaugnayan sa pagbili ng mga bakuna.

Ito ay sa kalagitnaan pa rin ng special audit na hinihiling ng World Bank at Asian Development Bank (ADB) kaugnay ng pautang na kanilang ibinigay sa Pilipinas.

Sinabi ni Committee chairman Senator Francis Tolentino na nakatakdang magsagawa ang panel ng motu propio investigation o ang kanilang sariling imbestigasyon.

Ang inisyal daw na pagdinig ay isasagawa na sa Disyembre 14.