-- Advertisements --

Pinalalakas ng Agriculture Department (DA) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang market link ng pamahalaan sa mga institutional buyers.

Ito ay sa pamamagitan ng contract farming na dito ay ang mga Pilipinong magsasaka ang makikinabang.

Sa pamamagitan ng naturang government support package, magbibigay ito sa mga magsasaka ng market link, halimbawa, sa mga hotel, restaurant at iba pang institutional buyers.

Ang hakbang ay sa gitna na din ng commitment ng Marcos Administration na palakasin ang agricultural value chain na magsisimula sa mga food grower at producers hanggang sa makarating na sa mga consumer.

Samantala, tinitingnan na din sa kasalukuyan ng ahensiya ang napaulat na mga itinapon na lamang na kamatis sa Nueva Viscaya.

Pero una ng nagpahayag ang Bureau of Plant Industry na pawang mga reject ang daan-daang kilong mga itinapong kamatis kasabay ng pag-aming kulang saila sa pasilisad para ma-proseso at mapakinabangan sana ang sobrang suplay.