-- Advertisements --
Pinaplantsa na ng Department of Agriculture (DA) ang government-to-government deal para sa fertilizer supply sa susunod na taon.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa ngayon ay nagpapatuloy ang pakikipag-diskusyon nila sa ilang bansa na maaaring pagkunan ng fertilizer.
Nais kasi aniyang makatiyak ng ahensya na mura ang makukuhang suplay ng pataba alinsunod na rin sa bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Target naman ng ahensya na malagdaan na ang supply deal pagsapit ng Enero nang agad rin itong mapakinabangan ng mga magsasaka sa paparating na planting season.