-- Advertisements --

Binigyang diin ni Department of Education spokesperson Atty. Michael Poa na hindi masasagasaan ng DepEd Order 49 ang karapatan ng ating mga guro.

Ito ay sa kabila ng mga sinasabi ng ilang grupo na maaring mawalan ng karapatan ang mga guro na magkaroon ng libreng pamamahayag.

Sinabi rin ng grupo na sinasagasaan din raw nito ang karapatan ng mga guro na ihayag ang kanilang sarili sa anumang social media.

Ayon pa kay Atty. Poa, ang nasabing probisyon ay nagbibigay ng direct line sa mga guro sa Office of the Secretary upang hindi maantala ang proseso ng kanilang mga hinaing.

Samantala, wala pa umanong direktiba mula sa DepEd kung kailan nila pwedeng i-unfollow ang account ng kanilang mga studyante.