-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 06 57 29

Kasalukuyan nang naghahanap ng paraan ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) upang matutukan at magamit ng maayos ang mga basurang plastic sa buong bansa.

Ito ay dahil na rin sa labis na pagdepende ng mga Pilipino sa mga plastic, para sa pang-araw-araw na gawain.

Sa katunayan, umaabot sa 61,000 metriko tonelada ang solid waste ng Pilipinas, araw-araw.

Ibig sabihin, nito, gumagamit ang mga pilipino ng hanggang 160million plastic sachet kada araw.

Kinabibilangan ito ng mga plastic bags, film bags, o maninipis na plastic bags, at iba pang kagamitan na gawa sa plastic.

Ayon kay Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyzaga, pinagsusumikapan nilang i-proseso, at irecycle ang mga plastic wastes upang hindi na maikalat pa at mapunta lamang sa karagatan, at iba pang bahagi ng katubigan/

Ayon sa kalihim, kailangan ding mabago ang paraan na ginagamit ng pamahalaan sa pangungulekta sa mga solid wastes, kasama na ang sistema ng pag-recycle sa mga ito, upang matiyak na mapapakinabangan ng husto.