Babalik na muli ang point guard na si Dennis Schroder sa Los Angeles Lakers.
Ito ay kinumpirma ngayon ng basketball star.
Kung maalala ginugol din ni Schroder ang 2020-2021 season kasama ang veteran star na si LeBron James.
Sinasabing inalok daw si Schroder ng Lakers ng isang taon na kontrata sa halagang $2.64 million.
Noong nasa LA siya may kabuuang 15.4 points at 5.8 assists siya kada laro.
Una na rin siyang inalok siya ng koponan ng Los Angeles ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $80 milyon ngunit tinanggihan niya ito.
Ayon sa kanyang post sa internet, hindi daw para sa kanya ang taong ito kaya naman babalik na siya sa pinakamalaking basketball team na Lakers para ituwid ang lahat.
Umaasa daw si Schroder na mas susuportahan siya sa pagbabalik sa koponan. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)