-- Advertisements --
Nagbigay ng update ang actress na si Demi Moore sa dating asawa nito na si Bruce Willis.
Kahit na mahigit 20 taon na silang hiwalay ay hindi pa rin niya nakakalimutang kumustahin ang asawa.
Sinabi ng actress na nananatiling bumubuti ang kalagayan nito.
Magugunitang noong 2022 ng inanunsiyo ng actor na titigil na ito sa paggawa ng pelikula matapos ma-diagnosed ng frontotemporal dementia na nakakaapekto sa kaniyang utak.