Nababahala ang isang kongresista para sa kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo na iyong mga nagtatrabaho sa oil-rich countries, dahil sa posibleng mababang demand sa trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo na matapos bumaba ang presyo ng crude oil sa global market ng hanggag $23.75 per barrel dahil sa COVID-19 crisis, inaasahan na aniya ang mababang demand ng mga OFWs sa mga oil-rich countries at sea-based deployment sa mga susunod na buwan.
Kaya naman dapat maghanda na aniya ang Department of Labor and Employment (DOLE), the Department of Foreign Affairs (DFA), at ang National Economic and Development Authority (NEDA) para sa inlfux ng mga OFWs na uuwi ng Pilipinas pati na rin sa inaasahang economic impact nito.
Inirekominda ni Tulfo na tulungan ng DOLE ang mga uuwing OFWs sa paghahanap ng bansa kung saan maaring ipadala ang mga ito para magtrabaho.
Bukod dito, maari naman aniyang ipasok sa Build-Build-Build program ng pamahalaan ang mga uuwing technically-skilled OFWs tulad ng mga engineers, architects, plumbers, electrician at iba pa.










