-- Advertisements --
image 453

Nakapagtala ang Bureau of Local Employment (BLE) ng mataas na vacancy para sa domestic helpers at call center agents.

Batay sa datus ng BLE, mayroong 5,761 na vacancies para sa mga domestic helpers o houshold workers habang 4,886 vacancies naman ang para sa mga call center agents.

Maliban dito, naitala rin ng naturang ahensiya ang 2,376 job vacancies para sa mga executive assistants.

Samantala, umaabot rin sa 1,798 ang job vacancies para sa customer service assistants habang 1,600 vacancies para sa mga production workers.

Ang mga naturang trabaho, ayon sa ahensiya, ay kabilang sa mga pangunahing naitatalang may mataas na vacancies kahit pa sa mga nakalipas na buwan.

Ang mga naturang vacancies ay naitala mula sa ibat ibang mga probinsya, kabilang na ang Davao Del Sur, Zambales, Misamis Oriental, tarlac, Cebu, Negros Provinces, NCR, atbp