-- Advertisements --

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Social Security System (SSS) na maglabas ng karagdagang pondo sa mga branches nito kasunod ng balita na mahaba ang pila at nagkakaroon ng delays sa application ng loans.

Sa kanyang inihaing House Resolution No. 1093, sinabi ni Rodriguez na mahaba ang pila ngayon sa iba’t ibang branches ng SSS dahil sa marami ang mga nagnanais na mag-loan, o magbabayad ng kanilang premium contributions.

Ayon kay Rodriguez, maraming mga opisina ng SSS ang hindi na nakakapag-accommodate ng mahabang pila dahil sa kakulangan ng mge empleyado at mga equipment, na kalaunan ay nagresulta sa delays sa processing at release ng loans at benefits.

Inihalimbawa nito ang kaso sa dalawang SSS branches sa Cagayan de Oro, partikular na sa Barangay Carmen at Barangay Lapasan.

“Due to COVID-19, people were not able to transact for the past few months and are now going to these two branches resulting in hundreds of people per day without exercising social distancing, which is very dangerous and could cause the spread of the virus,” ani Rodriguez.

Ang delay aniya sa processing ng applications ay dahil sa apat na coputers ang mayroong bawat branch na maaring gamitin ng mga miyembro para kumuha ng kanilang online numbers, bukod pa sa kulang din sila sa ngayon sa mga empleyado.

“Thus, there is a need for the SSS to provide additional funding for all their branches, including the two in Cagayan de Oro, for the hiring of additional personnel, payment of overtime and night shift pay, and purchase of additional computers and tents to serve as waiting areas so as not to make people wait under the sun,” saad ng kongresista.