-- Advertisements --
who

Nakatakdang pagpulungan World Health Organization emergency committee sa susunod na buwan ng Mayo kung dapat pa bang ideklara bilang international concern at public health emergency ang sakit na COVID-19.

Ito ay sa kadahilanang unti-unti nang nagiging manageable sitwasyon sa ilang mga bansa, habang may ilan namang nagdedeklara na nang pagtatapos ng COVID-19 public health emergency sa kanilang mga bansa.

Ayon kay WHO Western Pacific Region emergency director Dr. Babatunde Olowokure, na sa kabila ng maraming mga gobyernong nagsasabi na nagtapos na emergency sa kanilang mga bansa ay nananatili pa rin na international concern ang public health emergency na idineklara ng WHO mula noong taong 2020.

Kaugnay nito ay sinabi pa ng opisyal na nagpapatuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan nito sa Department of Health kasabay ng pagpapahayag ng kahandaan na magbigay ng anumang payo hinggil sa naturang usapin kung kinakailangan.

Samantala, iniulat naman ng WHO na sa bumaba na ang kaso ng COVID-10 sa buong Pilipinas at kakaunti na lamang rin ang kanilang nakikitang pagtaas sa bilang ng mga ito sa ilang bahagi ng ating bansa.