-- Advertisements --

Pumalo na sa hindi bababa sa walong katao ang nasawi matapos ang hindi inaasahang mga pag-ulan sa eastern Japan na nagdulot ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa at pagkawala ng kuryente sa mahigit 20,000 kabahayan sa Chiba Prefecture.

Ayon sa mga awtoridad, umabot sa mahigit 100 millimeters kada oras ang bumagsak na ulan sa Chiba simula noong Huwebes ng hapon—halos tatlong beses na karaniwang dami ng ulan sa buong buwan ng Agosto ang bumagsak sa lugar.

Dahil sa malawakang pagbaha, libo-libong pasahero naman ang na-stranded, kabilang ang mga biyahero sa Narita Airport.

Habang ilang train services at pangunahing highway ang sinuspinde rin.

Mahigit 100,000 kabahayan ang inabisuhang lumikas matapos magdulot ang malakas na ulan ng mga landslide at power outage.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nagmula ang matinding pag-ulan sa mainit at humid air flowing na nagsanib sa malamig na hangin sa atmosphere.

Nagbabala naman ang mga awtoridad na nananatili ang panganib ng pagbaha at landslide sa lugar, kahit ibinaba na ang emergency alert mula sa Level 4.