Lumobo na sa 154 ang bilang ng nasawi kabilang ang 26 na dayuhan sa nangyaring stampede sa Halloween event sa Itaewon, Seoul, South Korea.
Ayon sa officials sa Central Disaster and Safety Countermeasures Headquarters, posibleng tumaas pa ang death toll dahil nasa 33 iba pang katao ang nasa serious condition habang nasa kabuuang 116 indibidwal ang nagtamo ng minor injuries.
Sa 26 na biktimang dayuhan, nasa lima ang mula sa Iran, tig-apat mula sa China at Russia, 2 mula sa Amerika, 2 mula sa Japan at tig-isa mula sa France, Australia, Norway, Austria, Vietnam, Thailand, Kazakhstan, Uzbekistan, at Sri Lanka.
Kabilang din sa mga nasawi ang ilang middle schooler at high school students.
Natukoy na ang lahat maliban sa isa na nasawi sa itinuturing na deadliest crowd crush sa kasaysayan ng South Korea at worst disaster sa naturang bansa mula noong 2014nanang lumubog ang Sewol ferry kung saan 304 katao ang nasawi karamihan ay mga high school students.