-- Advertisements --
Pumalo na sa 133 ang nasawi sa pananalasa ng malawakang baha sa Germany na umaabot na sa kabuuang 153 ang death toll sa Europe.
Ayon sa isang police officer sa kobelnz city, 90 katao na ang naitalang namatay sa Rhineland-Palatinate region habang 43 katao ang namatay sa karatig na rehiyon sa North Rhine- Westphalia at 20 sa Belgium na pinakamalalang hinagupit na rehiyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa mga survivors kung saan nananatiling mataas pa rin ang lebel ng tubig sa ilang lugar sa Germany.










