Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na walang extension para sa annual income tax return (AITR) filing at deadline ng pagbabayad sa darating na Abril 17.
Ayon sa pahayag ng kawanihan, anumang extension ay magreresulta sa hindi sapat na pagpopondo ng mga programa ng gobyerno.
Sinabi ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., na ang napapanahong pagbabayad ng mga buwis ay nagreresulta sa agarang pagpopondo ng mga prayoridad na programa ng pamahalaan.
Hinihikayat ng Bureau of Internal Revenue ang mga taxpayers na gamitin ang prosesong “file and pay anywhere” na inilunsad gayundin sa mga tax assistance center sa buong bansa.
Dagdag dito, wala raw dahilan para sa hindi pagsunod sa itinakdang deadline dahil mas maginhawa na ang mga proseso nito.
Una na rito, ang mga pagbabayad na lampas sa deadline ay magkakaroon ng mga interes, surcharge at mga kaukulang parusa para sa mga taxpayers.