-- Advertisements --
Tuloy na ang December 31 na deadline sa mga jeepney drivers na bumuo ng kooperatiba bilang bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang katotohanan na kanilang pinalawig ang deadline.
Paglilinaw nito na hindi nila ipi-phaseout ang mga traditional public utility jeepneys (PUJ) basta ito ay compliant sa euro engine standard at sa Philippine Standards of the Trade Industry.
Mariing pinabulaanan din ng kalihim ang mga alegasyon na nagkakaroon ng bentahan ng mga prankisa gaya ng mga akusasyon ng ilang mga transport group.