-- Advertisements --

Napili bilang bagong gaganap na Superman ang actor na si David Corenswet.

Makakasama ni Corenswet si Rachel Brosnahan sa pelikula ni James Gunn na Superman: Legacy.

Gaganap ang actor bilang si Clark Kent habang si Brosnahan ay gaganap bilang Lois Lane ang love interest ni Kent.

Nakatakdang ilabas ang nasabing pelikula sa Hulyo 2025.

Ang actor ay kabilang na sa pelikulang “The Politician” at “Pearl” habang ang actress ay bumida na rin sa “The Marvelous Mrs. Maisel” at “The Blacklist”.