-- Advertisements --

Muling itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.

Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.

Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), natanggap daw ng dating CBCP president ang kanyang reappointment noong Marso 29 na isinapubliiko lamang ng archdiocese noong Abril 18.

Sinabi nito na ang muling pagtatalaga ay ipinarating ng Secretariat of State ng Vatican kay Archbishop Arthur Roche noong Marso 18.

Kung maaalala, Oktubre 2016 nang italaga ni Pope Francis si Valles at 26 pang mga bishops bilang miyembro ng CDW.

Bukod dito ay nagsilbi rin bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy mula 2001 hanggang 2009 si Valles.