-- Advertisements --
ombudsman

Pinasasampahan ng pormal na reklamo ng Office of the Ombudsman si dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Herminigildo Serafica kaugnay sa naantalang procurement ng kanilang mga kagamitan.
Iniuugnay ang reklamo kay Serafica dahil sa pagkaantala ng Notice of Awards nuong 2017 kaugnay sa Procurement ng 25 Units ng Ripper Harrower.


Sa inilabas na resolusyon ni Ombudsman Samuel Martirez, guilty umano sa paglabag sa Government Procurement Reform Act, partikular sa Section 65 si dating Administrator Serafica.


Guilty rin ito sa gross neglect of duty at grave misconduct at pinatawan ng dismissal mula sa serbisyo.
Pero dahil wala na sa tungkulin, pinagmumulta na lang ito ng katumbas ng isang taong suweldo.
Sa kabila nito, ibinasura naman ng Ombudsman ang kasong Anti-Graft laban Kay Serafica.
Nauna na ring iniimbestigahan ng Ombudaman si Serafica dahil sa isyu ng Sugar Order number 4 kung saan planong mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.


Nauna na rin nagbitiw sa pwesto si Serafica noong Agosto nang nakalipas na taon, matapos lumutang ang kontrobersya na kaniyang kinasasangkutan.
Hindi pa naman nagpapalabas ng pahayag ang panig ni serafica hinggil sa nabanggit na development.