BOMBO DAGUPAN -Bumisita ngayong araw si dating senador Leila de Lima sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag at nagpasalamat sa kanyang pagkalaya.
Matapos ang anim na taon na pakikipaglaban ay nakapag-pyansa at nakaalis si de Lima sa detensyon.
Hindi na ito nagpaunlak pa ng anumang panayam sa media.
Sa impormasyon naman na nakalap ng bombo radyo Dagupan ay saglit lang na dumalo ng misa ang dating senadora.
Mahigpit na seguridad naman ang ibinigay ng PNP Manaoag kay De Lima para sa kanyang proteksyon.
Matagal na kasi itong deboto ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag at araw araw na nagdadasal dito kahit noong nakapiit pa.
Para sa kanyang pamilya, ito na ang pinakamasayang pasko dahil muli silang magkakasama-sama ng dating senador.
Matatandaan na kinatigan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang kahilingan niyang matapos ang mahigit anim na taong pagkakakulong.