-- Advertisements --

MINGLANILLA CEBU – Nasawi ang isang nakamotorsiklo na lalaki matapos nagulungan ng isang fuel tanker Martes ng umaga, Agosto 30, sa Brgy. Linao Lipata bayan ng Minglanilla Cebu.

Nakilala ang nasawi na si Domingo Aquino Jr., residente at dating barangay konsehal ng Inoburan sa lungsod ng Naga.

Nakilala naman ang drayber ng fuel tanker na si Luis Villarazo na residente ng Barangay Mactan lungsod ng Lapu-Lapu.

Sa kuhang CCTV footage, makikitang parehong binabaybay ng dalawa ang kalsada patungong timog na bahagi ng Cebu nang bigla nalang natumba ang motor nitong minamaneho kaya nagulungan ito ng tanker.

Naisugod pa sa Minglanilla District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang nakadetain naman sa detention cell ng Minglanilla Police station si Villarazo.