-- Advertisements --

Patay ang dating Minnesota House Speaker na si Melissa Hortman at ang kanyang asawa sa kanilang sariling tahanan sa Brooklyn Park matapos paulanin ng bala ang kanilang bahay noong Sabado (local time).

Ayon sa mga awtoridad, isang lalaking nagpanggap na pulis umano ang bumaril sa kanila.

Tinawag naman ni Gov. Tim Walz ang insidente bilang ”politically motivated assassination.”

Sugatan din si Senador John Hoffman at ang kanyang asawa sa isa pang pag-atake sa Champlin, ilang kilometro lamang ang layo sa bahay ni Hortman.

Kinilala naman ang suspek na si Vance Boelter, 57 anyos, isang dating political appointee ni Senador Hoffman.

Batay sa naging imbestigasyon, may dalang mga polyetong “No Kings” si Boelter at mga listahan ng kanyang mga biktima kasama ang mga pangalan ng iba pang mambabatas kabilang nariyan ang mga pro-abortion rights official.

Samantala naglabas naman ng $50,000 reward money ang Federal Bureau of Investigation (FBI) para sa makakapagturo ng kinalalagyan ng suspek.

Pinayuhan din ang publiko na agad i-report sa mga otoridad ang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng suspek.