-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang tatlong indibidwal kabilang ang isang grade 11 student kasunod ng pagkaaresto nito sa isinagawang buybust operation at pagsira ng isang drug den kahapon, Agosto 31, sa Brgy. Brgy. Luz nitong lungsod ng Cebu.

Nakilala ang mga naaresto na sina Russell M. Solis, 59 anyos, subject ng operasyon; Shawn Michael A. Baraga, 19 anyos, grade 11 student at John Philip G. Buñao, 29 anyos, isang crew ng fast-food restaurant.

Nakumpiska sa operasyon ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Samantala, isang dating guro ang naaresto matapos makumpiska mula sa posisyon nito ang 10.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P69,360.00 sa Sitio Tubod, Barangay Bulacao, nitong lungsod.

Nakilala ang naaresto na si Ronie Gildo Valencia, 47 anyos.

Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.