-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 01 s. 2022, itinalagang bagong municipal administrator si Vergelita Guilaran na siyang magiging katuwang ng lokal na pamahalaan ng Midsayap, Cotabato sa mga pang-administratibong gawain at programa.

Si Guilaran ay isa sa mga mangunguna sa pagbuo ng plano at istratehiya na may kinalaman sa mga programa at proyekto na nakatuon sa pamamalakad.

Saklaw din ng kanyang responsibilidad ang pagpapanatili ng kaayusan ng takbo ng trabaho at proseso sa pagitan ng mga local officials, chiefs of offices, at pati na rin ng iba pang opisyales ng LGU.

Mahalaga ang magiging papel ng municipal adminsitrator sa uri ng pamamalakad na magdidikta sa kung ano ang magiging pangkalahatang estado ng Midsayap sa susunod na tatlong taon.