-- Advertisements --
enrile3
Former Senate President Juan Ponce Enrile

Iniutos ngayon ng Korte Suprema ang pagpalaya sa dating chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Jessica Lucila Reyes o mas kilala sa tawag na Gigi Reyes.

Sa 19 pahinang desisyon ng SC 1st division kinatigan nito ang inihaing petition for habeas corpus ni Reyes.

Kaugnay nito’y inatasan ng SC ang jail warden ng Taguig City female Dormitory na palayain si Reyes sa sandaling matanggap nito ang kautusan ng KS.

Samantala nakasaad naman sa kautusan ng KS na kailangan dumalo si Reyes sa pagdinig sa kasong plunder na isinampa laban dito.

2. Kailangan din niyang mag sumite quarterly ng periodic report sa clerk of court ng Sandiganbayan.

3. At kailangan ding humingi ng pahintulot ni Reyes sa Sandiganbayan kapag siya’y may planong mangibang bansa, at kailangan din niyang magpakita sa Sandiganbayan kapag siya’y nakabalik na ng bansa

4. Kailangan ding mag-report ni Reyes quarterly sa clerk of court ng Supreme Court kaugnay ng kanyang ginawang pagtupad sa kautusan ng Supreme Court.

Nauna nang hiniling ni Reyes sa Supreme Court na siya’y mapalaya dahil sa umano’y unreasonably delayed sa pagdinig sa kanyang kaso

Iginiit ni Reyes sa kanyang petition na nalalabag ang kanyang karapatan sa speedy trial o ng Section 14, Art III ng saligang batas.

kung saan iginiit nito na ang kanyang pagkakapiit nuong July 9, 2914 ay ilegal at paglabag naman sa due process na itinatadhana ng batas.

Sinabi pa ng source na nakalabas na ng women dormitory si Reyes kani-kanina lamang.