-- Advertisements --
bantag 1

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang posibleng lugar na pinagtataguan ng dating Bureau of Corrections chief at kasalukuyang wanted na si Gerald Bantag.

Sa isang pahayag, sinabi ni Remulla na maaaring nasa norteng bahagi ito ng bansa nagtatago matapos ipag-utos ng korte ang pag-aresto sa dating opisyal.

Ipinag-utos na rin aniya ng kalihim sa Philippine National Police at sa National Bureau of Investigation na asikasuhin ang pag-aresto kay Bantag at sa dating Deputy Officer nito na si Ricardo Zulueta.

Kung maaalala, ipinag-utos ng korte sa Las Piñas noong nakaraang buwan ang pag-aresto kay Bantag at sa apat na iba pang indibidwal dahil sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, hindi siya sigurado kung pareho ang lokasyon ni Bantag at Zulueta.

Minamadali na rin ang pag-aresto kay Bantag dahil magsisimula na aniya ang kanilang ahensya sa paglilitis sa kaso nito.