CAUAYAN CITY – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang dating barangay kagawad na pinagbabaril sa pambansang lansangan na nasasakupan ng barangay Cabaruan, Cauayan City
Ang biktima ay si Pedro Tubay, 59 anyos, nagtitinda ng prutas sa pribadong pamilihan at residente ng Carabbatan Chica, Cauayan City.
Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station, binabagtas umano ng nabanggit na biktima lulan ng motorsiklo ang pambansang lansangan patungong timog na direksiyon nang pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit namatay habang nilalapatan ng lunas habang agad namang tumakas ang mga suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station sa naturang pagyayari upang malaman ang motibo at pagkakakilalan ng mga pinaghihinalaan.