Sa unang pagkakataon, tinapos na ni Darren Espanto ang mga ispekulasyon hinggil sa kanyang sekswalidad.
Ayon sa 19-year-old singer, bata pa lamang siya ay nakakatanggap na ito ng pamba-bash o pagkutya mula sa iba’t ibang tao na mas lumawak nang maging uso ang social media.
Posible aniya na ang paraan niya ng pagbirit sa matataas na kanta ang isa sa mga dahilan kaya napagkakamalang bading.
“A lot of people are like ‘bakla ‘yan kasi …’. Ever since The Voice Kids, when I started singing songs for girls or like I have a high voice in general they always assume my sexual preference pretty much. But I’d like to let everyone know that I’m straight,” pahayag ni Espanto sa bagong vlog (video blog) ng malapit nitong kaibigan na si Kyle Echarri.
Sa ngayon, nasa Canada pa rin si Darren dahil naabutan ito ng lockdown doon bunsod ng coronavirus pandemic.
Si Espanto ay isinilang sa Calgary, Canada, at Pinoy ang mga magulang na kapwa registered nurse na tubong Nueva Vizcaya.