-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Nakatala ng limang sugatan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa naganap na sunog sa Oyo Torong St. Kalibo, Aklan.
Ayon kay SF04 Augee Villanueva, ground commander ng BFP-Kalibo, tatlo sa mga ito ang nananatili sa pagamutan habang isa ang inirefer sa out patient department kasama na ang isang bumbero.
Totally damaged ang tinatayang nasa 60 anyos na bahay na pagmamay-ari ng pamilya Malapit kung saan, wala silang naisalbang kagamitan gayundin ang kanilang mga tenant na kinabibilangan ng dental clinic, law office, computer shop at iba pa.
Tinatayang nasa mahigit sa P2.7 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente.