Tinambakan ng Dallas Mavericks ang Memphis Grizzles, daan upang makuha ng Mavs ang tatlong sunod na panalo.
Sa naging banggaan ng dalawang koponan, kumamada ng 35 pts 12rebs at 12 asst ang Superstar na si Luka Doncic habang 22 points ang naging ambag derrick Jones.
Nasayang naman ang tig-30 points na kontribusyon ng dalawang player ng Grizzlies na sina Jaren Jackson jr ay Desmond Bane, kasama ang 23 points 9 assts na ambag ng dating defensive player ng Boston na si Marcus Smart.
Sa unang kwarter, nagawa ng Grizzlies na lumamang ngunit nagawa ng Dallas na bumangon sa ikalawang kwarter gamit ang 37 points kontra sa 25 points ng Grizz.
Hindi na nagpabaya pa ang Dallas hanggang sa huling kwarter. Nagtapos ang laban sa score na 125 – 110.
Ang naging panalo ng Mavs ay ang ikatlo nilang sunod na panalo sa loob ng tatlong game, ngayong season.
Para sa Grizzlies, nananatiling itong winless, simula sa loob ng apat na games na kanilang pinagdaanan.