-- Advertisements --
NDRRMC

Naka-stand by na sa Lambak ng cagayan ang dalawang field water purification vehicles na unang ipinadala ng National Disaster risk reduction management council kahapon.

Nitong araw ng Linggo nang dumating ang dalawang water purification units sa Lambak ng Cagayan na tinanggap naman ng office of the civil defense r02.

Noong Sabado ay pinadala ng NDRRMC ang dalawang nabanggit na unit na may kakayahang mag-purify ng nasa 20,000 liters kada-araw.

sa pamamagitan ng mga ito ay matitiyak na may malinis na tubig na maiinom ang mga residente na maaaring ilikas.