-- Advertisements --

Arestado ang dalawang indibidwal, kabilang ang isang pulis, sa Maguindanao dahil sa iligal na pagbebenta ng mga baril.

Nahuli ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group sina Police Master Sergeant Datu Halil Utto Diocolano at Asrap Gumama Buwao, alyas “Kagui Darwin,” miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Ang operasyon ay bunsod ng impormasyong natanggap ng CIDG hinggil sa pagbebenta ng mga ilegal na baril na sinasabing large-scale o malakihan.

Narekober sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril at libu-libong bala.

Patuloy na iimbestigahan ng CIDG ang insidente, partikular na kung paano napunta sa mga kamay ng mga suspek ang mga baril at bala ng gobyerno.