-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Brutal ang sinapit ng 17 anyos na dalagita nang patayin ito ng kanyang stepfather sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Jeanny Mae Rollan,grade 11 sa Saint Jude College at residente ng housing area Brgy Upper Glad 1 Midsayap North Cotabato.

Suspek ang kanyang stepfather na si Jesus Socito.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasagutan umano ang suspek at biktima dahil tinangka siya nitong gahasain.

Dahil sa galit ng stepfather kumuha siya ng itak,pinagtataga ang biktima at hinampalos pa ng palakol ang ulo at mukha.

Patay on the spot ang dalagita nang magtamo ng malaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang sumuko ang suspek sa kanyang mga kaibigan at mga opisyal ng Barangay.

Kinomperma rin ng mga kapitbahay ng suspek na lagi itong nasasangkot sa gulo at may dati nang reklamo sa kanya sa tangkang panggagahasa.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa lock-up cell ng Midsayap PNP at patuloy na iniimbestigahan kung tinangka pa itong gahasahain bago pinatay.