-- Advertisements --

Pursigido ang pamilya ng University of Santo Tomas student at hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo Jr., na maghain pa ng karagdagang kaso sa mga miyembro ng Aegis Jutis fraternity na sangkot umano sa pagkasawi ng estudyante.

Ayon sa ina ng biktima na si Carminia Castillo, tuloy ang paghahain ng kanilang pamilya ng additional cases batay na rin sa mga pinangalang personalidad ng witness.

Inamin ng ina ni Atio na kasama talaga sa kanilang plano na kasuhan ang mga ito ngunit hindi lang naisali sa final rites.

Nitong araw nang hatulang guilty sa kasong obstruction of justice ang isa sa mga suspek na si John Paul Solano ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14.

Inabsuwelto naman ito ng korte sa kasong perjury.