-- Advertisements --

Inabutan na ng Pasko ang daan-daang mga pasahero sa Manila North Port Terminal na na-stranded matapos ma-reschedule ang kanilang biyahe dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Ayon sa ilang mga pasahero, nagpadala sa kanila ng text message ang shipping company na 2GO noong Disyembre 22 na maantala ang kanilang biyahe dahil sa masamang lagay ng panahon subalit dismayado naman ang ilang mga pasahero dahil hindi umano naipaalam sa kanila na na-reschedule ang kanilang biyahe.

Kung kayat wala silang magawa kundi sa terminal na lamang silang nag-spend ng Christmas eve.

Ayon naman sa shipping company, magpapatuloy ang kanilang pagbiyahe bukas Disyembre 26 dakong alas6:30 ng umaga.

Samantala ayona naman sa PCG, ang ferry services sa Manila North Port Terminal ay normal.

Iniulat din ng ahensiya na nakapagtala ng 18,932 outbound passengers at 18,381 inbound passengers sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa mula hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga niyong Lunes.