-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sumasailalim na sa quarantine ang mga bisita sa isang pista matapos naka-close contact ng isang pasyente na positibo sa COVID (Coronavirus Disease) sa Guimbal, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jay Dorin, Municipal Health Officer, sinabi nito na ang pasyente ay mula sa Lungsod ng Iloilo na pumunta sa isang barangay sa Guimbal upang dumalo sa pista at death anniversary ng kanyang kaanak.
Ayon kay Dorin, matapos makumpirma na positibo siya sa virus, agad na isinagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Umabot sa 13 sa mahigit 130 na-contact trace ang kumpirmadong nahawaan ng virus at pinangangambahan na madagdagan pa ang nasabing bilang.