Plano ng Department of Agriculture na mapataas pa ang produksyon ng abaca sa buong bansa.
Ito ay upang matiyak na mamentene ang dominance ng Pilipinas sa buong mundo bilang top producer ng abaca sa buong mundo.
Ayon kay Genevieve Velicaria-Guevarra, DA assistant secretary and concurrent OIC executive director, kailangang mapataas din ang kalidad ng mga itinatanim na mga abaca sa buong bansa, kasabay ng pagnanais na mapataas ang bulto ng produksyon nito.
Bilang tugon, kailangan aniyang dagdagan pa ng pamahalaan ang mga ipinamamahaging libreng mga planting materials ng abacca, upang matiyak na may magagamit ang mga magsasakang nais sumubok dito.
Kailangan din aniyang magsagawa ang pamahalaan ng mas maraming trainings para sa mga magsasaka ng bansa, na pumasok sa naturang industriya.
Sa kasalukuyan, kailangan pa niyang maging aggresibo ang bansa sa produksyon ng naturang commodity upang masigurong hawak ng Pilipinas ang pinakamalaking supply sa naturang produkto.
Sa ngayon kasi ay hawak ng Pilipinas ang 86% ng kabuuang abaca exports sa buong mundo.