-- Advertisements --
CAUAYAN CITY-Nagkaloob ng walong units ng hand tractors units para sa apat na FTA operators ang Department of Agriculture (DA).
Kasabay nito ay ang pamamahagi rin ng tatlong hand tractor at vegetable seedlings sa mga rebel returnees sa pakikipagtulungan ng pamunuan 95th Infantry Battalion Philippine Army.
Sa kaniyang maikling talumpati, inihayag ng kalihim na natuwa ito dahil tumaas ang kasalukuyang pondo ng DA na gagamiting o ipapamahagi sa mga magsasaka sa buong bansa.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Governor Rodolfo Albano, mga alkade at mga kinatawan ng bawat distrito ng Isabela.










