-- Advertisements --
Plano ng Department of Agriculture (DA) na higpitan pa ang control sa industriya ng bigas.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Christopher Morales na isa sa mga paraan dito ay ang paghigpit sa imports tuwing harvest seasons at pag-inspect sa mga bodega ng mga traders at importers.
Kabilang na rin ang pag-implementa ng timig restrictions sa pagpapalabas ng sanitary phytosanitary import clearance sa rice imports.
Sa ganitong paraan aniya ay mapapaganda ang kontrol sa mga dumarating na inaangkat na bigas.