-- Advertisements --

Naglatag ng 3-year plan ang Department of Agriculture (DA) para sa Agri fishery production system at problema sa over supply dahil sa kakulangan ng cold storage facilities.

Iprinisinta ni Tiu ang plano sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Naka pokus ang three-year plan sa pag expand sa agri-fishery sector para tumaas ang produksiyon, pag modernize sa agri and fishery production system at pag improve sa post-harvest systems at infrastructure.

Tinalakay din sa meeting ang mga isyu na may kinalaman sa agrikultura tungo sa ” Masaganang Bagong Pilipinas.”

Ayon kay Agriculture secretary Francisco Tiu Laurel, ilan sa mga napag- usapan ay ang tungkol samas dapat pang mapagandang logistics upang maiwasan ang maraming nasasayang na mga agricultural products gaya ng gulay at iba pang mga produkto.

Batay sa datos na binaggit ng Kalihim nasa 30 percent sa mga produkto ang nasasayang.

Sinabi ni Laurel sa rice and corn wastage, umaabot sa P10.7 billion pesos ang nawawala.

Lumalabas na 40 taon na minimal ang naging hakbang ng pamahalaan para mamuhunan sa post harvest facilities.

Kinumpirma ni Tiu na mayruon silang planong magtayo ng cold storage facilities sa Luzon partikular sa mga lugar kung saan binabagsak ang mga agricultural products sa Luzon partikular sa Cordillera Administrative Region at Benguet gaya ng La Union.

Bukod sa pagpapalakas sa agriculture sector, palalakasin din ng ahensiya ang aqua culture at maging ang seaweed industry.