-- Advertisements --
DAVAO CITY – Idineklara ng Department of Agriculture (DA) na Bird Flu-free na ang probinsya ng Davao del Sur.
Base ito sa Memorandum Circular 30 na nilagdaan ni dating Agriculture Secretary William Dar noong Hunyo 30, 2022.
Negatibo na ang nasabing probinsya sa H5N1 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa loob ng 40 na araw mula sa pagsasagawa ng pamahalaan at ng DA Regional Field Office kasama ang Bureau of Animal Industry ng clean-up, disinfection, at surveillance operations.
Kung maalala na noong Marso, naapektuhan ng Bird flu ang Davao del Sur matapos magpositibo sa virus ang ilang grazing ducks na mula pa sa North Cotabato.