Hinimok ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga local government units (LGUs) na mamuhunan o maglaan ng mas maraming pondo para sa mga agricultural projects para maabot ang food security ng bansa.
Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes, kailangan daw ngayon ang investment hindi lamang sa pamahalaan o sa national government kundi pati sa mga lokal na pamahalaan.
Dahil dito, mainam daw na pagtuunan ng mga LGUs ang pag-invest sa crop at palay production, mais, livestocks at fishery.
Nararapat din umanong bigyan ng mas malaking pondo ang agriculture sector.
Sinabi pa ng opisyal na dapat ay pagtuunan din ng pansin ng mga tumatakbo sa lokal na posisyon ay isyu sa food security.
Samantala, sa ngayon ay patuloy naman daw ang pamamahagi ng DA ng P3,000 fuel vouchers sa mga magsasaka at fisherfolks..
Kung maalala, noong nakaraang linggo, nagsimula na ang DA na magbigay ng fuel subsidies sa farm sector na layong matugunan ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Tinatayang nasa 160,000 ang bilang ng mga magsasaka at mangigisda na makikinabang sa kanilang programa.