Naghain na ng petition for bail ang kampo ng kontratistang si Curlee Discaya sa korte bilang hakbang upang makamit ang kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kasong kinahaharap nito kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Ito ang kinumpirma ng kanyang abogado na si Atty. Cornelio Samaniego III sa isang panayam noong Biyernes, kung saan ipinaliwanag niyang maaari pa ring maghain ng petisyon ang kanilang kampo para sa piyansa kahit ang isang kaso ay itinuturing na non-bailable.
Ayon sa abogado, susuriin pa rin ng korte kung sapat ang lakas ng ebidensya laban sa akusado bago magpasya kung maaari itong payagang makapagpiyansa.
Ayon sa abogado, susuriin pa rin ng korte kung sapat ang lakas ng ebidensya laban sa akusado bago magpasya kung maaari itong payagang makapagpiyansa.
Matatandaang inaresto si Discaya noong Hunyo 8, 2026 matapos sampahan ng kasong malversation of public funds through falsification of documents kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapatupad ng ilang flood control projects sa Bulacan.
Sa kasalukuyan, nakapiit siya sa Bulacan Provincial Jail sa Lungsod ng Malolos kasama ang iba pang mga indibidwal na nadawit sa naturang kaso.
















