-- Advertisements --

Isinilbi na ngayong Lunes, Hunyo 8, ang warrant of arrest sa kontratistang si Curlee Discaya kaugnay sa kasong malversation na walang kaukulang piyansa may kaugnayan sa kaniyang pagkakasangkot sa kickback scheme mula sa flood control projects.

Inilagay si Discaya, na nadetine sa Senado matapos i-cite in contempt, sa ilalim ng kustodiya ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Isinakay si Discaya sa ploice mobile patungo sa Malolos, Bulacan para sa pagsasauli ng warrant.

Noong Biyernes nang isyuhan ng Malolos Bulacan Regional Trial Court si Discaya ng arrest warrant, kasama ang kaniyang asawa na si Sarah Discaya at siyam na iba pa kaugnay sa naturang kaso.

Ayon naman sa kampo ni Discaya, sinabi ng kaniyang abogado na nalulungkot ang kaniyang kliyente na mauuwi ito sa kulungan sa kabila pa ng kaniyang pakikipagtulungan.