-- Advertisements --

Hinarangan ng ilang daang Cuban Americans ang pangunahing kalsada sa Miami bilang protesta.

Nananawagan kasi ang mga ito kay US President Joe Biden na gumawa ng hakbang para suportahan ang mga mamamayan ng Cuba.

Dagdag pa nila, mahalaga ang tulong ni Biden para labanan ang communism sa Cuba.

Magugunitang sumiklab ang anti-government protest sa Cuba dahil sa nahaharap sa economic crisis ang nasabing bansa.

Pero nauna na ring nagpahayag ng suporta si Biden sa mga protesters.