-- Advertisements --
Nanawagan ang Civil Service Commission (CSC) na dapat tangkilikin ang kanilang iaalok nilnag Government Online Career Fair na kanilang inorganisa.
Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles, na mayroong 3,500 na bakanteng trabaho na galing sa 131 government agencies ang maaring pag-aplayan.
Magaganap ang nasabing online job fair mula Setyembre 19 hanggang 23 sa tulong na rin ng online job search portal na JobStreet.
Ilan sa mga posisyon na maaaring pag-aplayan ay ang administrative aides at officers, revenue officers, engineers, midwives, planning officers, nurses, instructors at maraming iba pa.
Para aniya makalahok ay kailangan ng magkaroon ng account sa JobStreet.com ang mga nais na makahanap ng trabaho.